Biyernes, Abril 29, 2016

At 6th Street



Under the light of the street post at 6th Street, she waited. The tiny icy snowflakes are falling. Her hands were clasped inside the pocket of her hoodie.

"Wait for me." he said.

She affirmed.

Season's changed.

She waited then realized that he'll never come back, for he was years ago buried under the ground.



#nanofiction
#55words
#contestentry
#photographinspired
#edsheeran

Desaparesidos





Nasaan ka, Iska? Nasaan ka? 

Kanina pa kita hinahanap mula ng ako ay iyong mabitawan. Ang sabi nang iyong Ama ay gabayan kita ngunit bakit tila hindi ko nagawa ang bilin niya. Saan kita hahanapin ngayong hindi ko alam kung saan ka nila dinala. Halos mapigtas pa ako at maputol sa higpit nang hawak mo kanina sa akin ngunit ng ako ay hilahin nila mula sa gapos ng iyong kamay ay basta na lamang nila akong inihagis at tuluyan ng ikaw ay nawala.

Punong-puno ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang uri ng estado ngunit iisa lamang ang motibo. Ang mapatalsik at mapaalis sa pwesto ang sakim na siyang nakaupo sa trono.

Nakita ko kung paanong nagkaisa ang lahat na kahit sariling buhay nila ay handang ialay. Sa tulong ng mga taong may kakayahan mula sa politiko’t hanggang sa mga simpleng mamamayan ay handang isulong ang karapatan. 

Marami na ang nawala dulot ng pagnanakaw, na pati boses ng bawat isa ay siya na ring inagaw. Ngunit para kay Iska ay hindi iyon nararapat kung kaya’t nakisali siya sa pag-aalsa. Nakibaka kasama ang mga kapatid niya. Hawak kamay nilang isinulong ang pakikibaka na ang tanging dala ay ang lakas ng loob at paninindigan.

“Hindi maaari! Hindi maaari na pati ang boses natin ay kanilang nakawin. Ito na lamang ang tanging paraan natin upang masabi sa kanila ang ating mga karapatan. Ito ang ating instrumento upang marinig ng nagbibingi-bingihang rehime ng diktatorya. Hindi ko papayagan na mawalan ng boses ang mamamayang Pilipino… hindi ko hahayaang mawalan ako ng boses.”

Narinig ko ang sentimiyento ng bawat isa… ang sentimiyento ni Iska. Kaya matapos ng pagpupulong nilang iyon ay nagsimula na sila ng kaniyang grupo na lumaban para sa karapatang pantaong mayroon dapat ang bawat isa.

Sa panahong iyon ay walang U Turn, bawal ang lumiko kung ikaw ay kasapi sa mga taong lumalandas sa tuwid na daan. Ang lumiko o tumaliwas ng daan ay mananatiling nakakulong sa ilalim ng mapangahas na diktatorya.

Kapit-kamay nilang nilandas ang daan patungo sa tuwid na daang kanilang inaasam. Lahat ay puno ng tapang na hinarap ang kalaban. Pinairal ang demokratiko sa bawat isa na siyang pilit inaagaw ng nasa itaas na nakaupo sa kaniyang trono. Na ang tanging nasa isip lamang ay ang kasakiman sa kapangyarihan. Kapangyarihang kaniya lamang nais na ipasa sa kaniyang mga anak at kamag-anak na siyang nakasaad na sa kaniyang huling habilin kung sakaling siya ay malagutan na ng hininga.

Ganoon kasakim ang taong nakaupo sa trono ng mga panahong iyon kung kaya’t nagkaroon ng paghihimagsik sa pangunguna na rin ng kaniyang mga dating nasasakupan. Hindi na natiis ng mga ito ang ganoong kalakaran kung kaya ay gumawa sila ng paraan upang makawala sa hawla ng pangloloko at kasakiman.

At sa pagkakaroon ng pagkakaisa ng iba’t ibang uri ng tao mapapolitika, sibilyan, tauhan ng simbahan, at mismong mga militar ay nagkaroon ng isang mapayapang pakikibaka ang lahat. Sama-sama at sabay-sabay ang mga taong nagdasal na siyang tinawag na prayer vigil. Pulos dilaw na kulay ang namukod tangi na siyang naging simbolong kulay ng panahong iyon. Pati na rin ang sagisag-kamay na letrang L na nagsasabing LABAN ay siya ring naging simbolo. At ang makabayang awit na Bayan Ko ay naging malaking parte ng rebolusyon. At sa tulong na rin ng ilang milyong tao na nakilahok dito ay nakamit ng bansa ang kalayaan sa kamay ng batas militar.

Naibalita rin ang kaganapang ito sa ibang bansa kung saan ay natuwa ang lahat dahil na rin naipakita at naituro natin sa kanila kung paanong sa tulong ng pagkakaisa ay makakamit ang kagustuhan katulad ng demokrasyang ating hinahangad.

At ng mga panahong iyon ay nakita ko kung paano sumumpa sa lahat ang panibagong ina ng bansa na walang iba kung hindi ang biyuda na si Corazon Aquino. Ito rin ang naging dahilan kung bakit walang nagawa ang dating rehime at ang paglisan sa bansa kasama ang kaniyang pamilya ang naging dahilan niya. 
Nanumbalik sa normal ang lahat ngunit ako ay hindi… dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Iska.

Muli ko tuloy naalala ang kaniyang mga sinaad noon habang nagbibigay ng lakas ng loob sa lahat ng mga kapatid niya.

“Paano tayo makakawala kung wala tayong gagawin? Paano tayo makakatakas sa pagkakakulong kung hindi tayo gagawa ng paraan upang makawala? Paano natin maibabalik ang boses na nawala sa atin? Paano na ang kalayaan natin kung mananatili tayong tahimik? Tayo… tayo mismo ang gagawa ng pagbabago. Sa atin ito mag-uumpisa. Pairalin ang demokratiko!”

“Natatakot kami sa maaaring mangyari Sister Iska?”

“Kung paiiralin natin ang takot ay walang mangyayari sa atin. Basta sama-sama tayo ay makakamit natin ang nais nating kapayapaan. Nandito ako, nandito ako upang maging sandigan at sanggalang ninyo. ‘Wag kayong matakot, hangga’t narito ako ay ligtas kayo at kahit na sariling buhay ko ay kaya kong ialay para sa inyo. At kung mawawala man ako… isipin ninyong ginawa akong instrumento ng Diyos upang maging daan para sa kalayaan ng bawat isa. Para maibahagi sa inyo ang lakas, tapang ng loob, at paninindigan.”

Pebrero 25, 2016, ika-tatlumpong anibersayo ng EDSA People Power.

Tatlumpong taon na ang lumipas. Sa loob ng mga taong iyon at hanggang ngayon ay hindi ko na nakita pa ang imahe ni Sister Iska. Hindi ko na muling nadama ang bawat haplos niya sa krus at pinagugpong-ugpong na butil sa aking katawan kasabay ng pag-usal niya ng panalangin.

Nangungulila ako sa kaniya. Nangungulila ako sa aking ina na nagbigay pag-asa sa karamihan. At ngayong isang kasaysayan na ang lahat na ginugunita bawat taon ay masaya akong ibahagi sa inyo ang bawat pangyayaring nagbigay kalayaan sa ating bansa. Masaya akong ibahagi sa inyo si Sister Iska na isang babaeng may tapang ng loob, nagbigay pag-asa, na ngayon ay tinatawag ng desaparesidos. Ang tawag sa mga tao na napabilang sa listahan ng mga taong hinuli, ikinulong, pinahirapan, ginahasa at pinatay o di kaya ay naglaho na lang sa panahong kinakailangan sila ng ating bansa. Mga taong nararapat na bigyan ng papugay sa pagsakripisyo para maipaglaban ang karapatang pantao ng lahat.

Ang kuwentong ito ang kuwento ng isang babaeng hindi nangahas na lumiko ng daan, isang taong hindi tumaliwas sa kagustuhan na magbebenepisyo sa lahat. Ang taong nanindigan sa tuwid na daan. Ang taong hindi natinag sa pananampalataya.

Siya si Sister Iska.

At ako?

Nais ninyo bang malaman kung sino este kung ano ako?

Heto at hayaan ninyong ipakilala ko ang aking sarili.

Ako ang isa sa mga piping saksi ng mga panahong iyon. Ako ang matalik na kaibigan ni Sister Iska. Ako ang instrumentong nagbibigay lakas sa pananampalataya ng lahat. Ako ang ang isang bagay na mayroong pinagugpong-ugpong na butil na may kasamang krus na siyang inyong hinahawak-hawakan habang sumasambit ng panalangin.

Ako si…

Nadapa ang isang babae sa kasagsagan ng kaguluhan, tumapat siya sa harap ko at nakita ko ang pagod niyang mukha ngunit punong-puno ng tapang. Pilit niya akong inabot gamit ang isang kamay niya at nang ako ay kaniyang mahawakan ay naramdaman ko ang init ng kaniyang palad na katulad nang haplos ni Sister Iska.

Muli ko tuloy siyang naalala. Sana ay nandito siya. Sana ay makabalik siya. Sana ay ligtas siya. Handa akong maghintay sa kaniya kahit na matagal pa basta bumalik lamang siya. Gusto kong muling maramdaman ang haplos niya. Gusto kong muling marinig ang tinig niya.

Sa pangungulila’t paggunita ko sa kaniya ay halos gusto kong maiyak lalo na ng sambitin niya ang ngalan ko na punong-puno ng  pag-asa, “Rosaryo.” pagkatapos niyon ay hinalikan niya ako’t kinipkip ng mabuti sa kaniyang palad.


Theme: No U-Turn
Subject as Narrator: Rosaryo

#contestentry 
#rank3 
#WGKNB