Biyernes, Mayo 29, 2020

In the Middle of the Summer Solstice



In the middle of the summer solstice I found the solemn of my soul succumbing into the abyss of obstruction. I cried into the depths of my limit and now I finally, found the tranquility. Sadness seems to fade out, it flew far away from me. Letting me uncaged into this four walled room. I was years confined into the platform begging to see the real world with colors of the rainbow. Long ago, I was figuratively blind. Nothing seems to comfort me than darkness that never leaves me behind. It was my comfort, then. That time, it was the only thing that never allows me to feel alone. It treasured me more than anyone else. It understands me when no one else can’t. It saw me in a state I can’t even recognized myself. I gradually fell into the comforts of it. And I might say, even fell for it. It hugged me in the coldness of the weather, blew air for me when I stickily drenched by my own smelly sweat. It was there when seasons changed. 

Darkness becomes my salvation

It doesn’t make me feel less of my worth. It makes me feel that I deserve everything in this grandeur life. It offers me and showered me with all the little things and appreciates me with all the imperfections that I have had in and out of me. It makes me feel perfect when all I can see is a shattered and broken glass that I, myself seems hard to fix. 

In your confinement, you gave me hope. It help me bloom from a small bud to a beautiful and colorful flower. It help me nurture, mold, and hone my whole being. It never give up on me when everyone else seems to. It cheer me up. It praised and gave me compliment that makes me bloom into a positive human. It help me climb unto the top. It erased my hesitation, killed my frustration, and heals my depression. 

And now, that the darkness urges me to see the light I comply gladly for it see that I am ready to face the world.

Thank you for everything you have unconditionally given me. 


Linggo, Mayo 10, 2020

BIPOLAR


Hey guys! It's already 3:00 am, yet I am still here wide awake. I came from a walk and decided to get my phone, accessing my diary rather my blog to frantically type the story that I made up in my mind while taking a breather earlier. 

Now, my fingers are itching to key in every word my brain is vomiting. My adrenaline rush is jolting to give you all the details, so without further ado, I am pleased to meet you the protagonist of this woven words... Maine Hyde.

***

With the town of West Ham, rampant news broke the silence when a series of murder and missing people is happening around the municipality in a span of one month. 

In the help of the media, police officials announce highly security and safety among the locals, advising everyone to be aware and safe, and the fact that the liberality of the culprit behind the on-going crimes is still unknown.

Maine turn off the boob tube and started to busy herself with the fresh develop photographs in her hand. She scanned it one by one with satisfaction. She captured it nicely in every angle that emphasizes its subject with great focus. Some photos were saved in an envelope whilst some was taped on the wall alongside her other photographs as her collection.

She almost jumped when her mobile phone alarms. She immediately dismissed it after reading, "Am I incurable?" label reminding her to drink medication in order for her to get better. But the question is, is she really getting better? Her bipolar disorder is not incurable and she is not getting any better, instead it made her worst - worst in a way that she sees herself as some kind of an awful monster. 

***
Darkness is her salvation. Every night, she succumbs in sadness; depression is eating her wholly. Tears stream down her face as she dwells into a profound reflection. Horrible thoughts haunt her making her an insomniac. Her mood is a quick alteration of white to black.

She get up in bed with a heavy feeling, she walks straight to the fridge and get one of those red filled liquid bottle and gulp it thirstily. 

"This can really pump my blood and makes me feel good. I feel so regenerate. Tomorrow is another day, another surprise to unveil. Letters and pictures will send to fuel up the fire I have made.”

Using her index finger, she wiped the red liquid in her lips coming from the vermillion border to the Cupid’s bow and sucks it, "How fresh the blood of the latest victim is?" she grins devilishly.

Tomorrow I’m still the protagonist. And no one can really trace me. I am leaving this rented house and transfer to a new town to create another wildfire.

***

Another tale has been posted; wait for my next blog because another story will be documented.

Remember your imagination is my reality.




Martes, Oktubre 31, 2017

Ikapitong Langit



Hustisya!

NARINIG mo ang salitang nagpabalikwas sa iyo sa iyong pagtulog. Isang masama at nakaka-panghilakbot na bangungot. Nakita mong hanggang ngayon ay nagsi-si-taasan pa rin ang iyong balahibo. Naihilamos mo ang iyong palad sa pawis na pawis mong mukha; ang paghinga mo ay tila hinahabol ng kabayo sa isang karera.

Ilang beses mo na nga bang napanaginipan ang pangyayaring iyon at halos kabisado mo na nga ang bawat eksenang nagpapakita roon. Isang babaeng may malabong mukha, nakasuot ng puting bestida na unti-unti ay dinudungisan ng pulang mantsa. Hinahabol ito ng isang lalaking walang mukha habang tangan ang isang matulis at nangingintab na bagay. Papalapit nang papalapit ang mga ito hanggang sa marinig mo ang pagsigaw ng babae na siyang laging gumigising sa iyo.

Mabigat ang pakiramdam mo ng ikaw ay bumangon sa pagkakahiga, dumiretso ka sa banyong katapat ng iyong higaan. Muntikan ka pang matalisod sa kurdon na nakakalat sa lapag kung kaya’t hindi mo napigilan ang mapausal ng mahinang mura.

Umuupa ka lamang sa isang maliit na kwarto. Ang mga gamit mo ay hindi ganoong karami ngunit siya rin namang nagpapasikip ng lugar. Isang lumang telebisyon at radyo, bintilador, isang plastik na drawer na siyang lagayan ng iyong mga damit, isang monoblock sa gilid ng kama at isang pabilog na kahoy na lamesa.

Mabilis kang naghilamos at nagsepilyo pagkatapos ay kinuha mo ang pakete ng sigarilyong nakapatong sa ibabaw ng telebisyon. Kumuha ka ng isa rito’t sinindihan iyon - ito ang nagsilbing almusal mo. Malalim ang naging paghugot mo at ilang sandali ay ibinuga mo ang usok na siyang bumalot sa loob ng kwarto.

Tinatlong hakbang mo lamang ang bintana at binuksan iyon ng may marinig kang katok. Bumungad ang mukha ng kaibigan mong si Intong at may sinabi ito, “Tol, mamayang alas-nuebe sa eskinita malapit sa abandonadong lote tayo magkikita-kita.”

Isang marahang pagtango ang isinagot mo, umalis na ang kaibigan mo’t nagsimula mong upusin ang sigarilyong hinihithit mo.

Nang mag-alas onse y medya ay lumabas ka upang bumili ng makakain. Lutong ulam at kanin ang siyang nagiging pantawid-gutom mo sa araw-araw.

Sa daan ay nakasalubong mo si Ligaya, ang panganay na anak ni Aling Delia na siyang may-ari ng karinderyang binibilhan mo. Nagta-trabaho ito sa isang call center company sa Makati. Carbon copy ito ng inang si Aling Delia, ang tindig at taglay nitong ganda ay namana sa ina. 

Matagal mo na itong pinagmamasdan sa tuwing dumaraan sa maliit na eskinita ng inyong lugar. Ang taglay nitong ganda ang tila nakapag-hipnotismo sa iyo sa tuwing ito ay iyong makikita - para bang ito ay isang bato balani kung ikaw ay mahila.

“Magandang tanghali, Ligaya!” ang magiliw mong bati rito ngunit isang irap lamang ang napala mong sagot. “Ang aga-aga, ang sungit-sungit.” Ang segunda mo.

“Tigilan mo ako, Tonio, sinisira mong palagi ang araw ko. Ngayon pa lamang uunahan na kita, hindi kita type at mas lalong hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo.” Pasinghal na sagot nito, ngunit, ang siyang lalong sumira sa araw mo ay ang mahinang usal nito ng katagang, “Adik!”

Imbes na um-order ay umalis ka sa harapan ng karinderya at habang palayo rito ay nahabol pa ng pandinig mo ang pagtatalastasan ng mag-ina.

“Totoo naman ang balitang siya ang mastermind sa nakawang naganap sa karatig na subdibisyon.”

“Ano ka ba naman Ligaya dahil diyan sa bunganga mo ay nabawasan ang kita natin ngayong araw.”

“Ayos lang ho iyan, inay, tiyak namang doble pa ang kapalit niyan. At saka gawa sa marungis na trabaho ang perang ipangbibili niyan.”

Nagtangis ang mga ngipin ni Tonio sa galit. Ang bawat paratang ng babaeng mahal niya ay tila isang punyal na tumarak sa kaniyang puso. Sobrang sakit, sa sobrang sakit nito ay hindi niya mapigilang magalit ng husto.

Nawalan na siya ng ganang kumain katulad ng pagkawala niya ng gana sa buhay na kaniyang kinasadlakan. Ang buhay na tila unti-unting sumusunog sa katawan niyang buhay na buhay pa dahil sa mga kasalanang nagagawa at ginagawa niya. Buhay pa siya ngunit unti-unti na rin namang ginugupo ng gawain niya ang buhay na mayroon siya. Sinubukan niyang bumangon sa pagkakasadlak sa lupa ngunit sa bawat pag-angat niya ay tila unti-unti rin siyang hinahatak pabalik ng mga bisyong nakasanayan na niya.


IKALABING-TATLO ng Agosto, Biyernes doon unang nakilala ni Tonio ang tinatawag sa lugar nilang Ikapitong Langit.

Sa labas ng bahay ni Intong sa makipot na eskinita naroon sila nag-iinuman ng gabing iyon. Nagsimula ang lahat sa kwentuhan kasabay ng pagnguya ng mani at kornik na kanilang pulutan. Hanggang sa unti-unti silang nalango sa alak at doon ay ipinakita at ipinadama nito sa kaniya ang Ikapitong Langit.

May inilabas itong bagay mula sa bulsa, nakalagay ito sa isang pakete at ang itsura ay tila pinulbos na kristal. Sa kabilang bulsa ay may hinugot pa ito, isang lighter at isang aluminum foil na kung tawagin nito ay mga “paraphernalia”.

“Brod, may ipapakilala ako sa iyo,” iwinagayway nito ang pakete habang nakapagkit ang isang ngiting aso. “Ito si Shabu at ito ang magdadala sa iyo sa Ikapitong Langit.”

Noong mga panahong iyon ay bagong salta siya sa Tondo mula sa probinsiya ng Ilo-ilo. Nakipagsapalaran siya na lumuwas ng Maynila dahil sa pangarap na masarap at maginhawang buhay, ngunit, kabaligtaran ito sa naging kapalaran niya.

Sa bawat lumipas na panahon ay nakita ni Tonio ang realidad nang pamumuhay sa Maynila. Hayskul lamang ang natapos niya sa probinsiya kaya ng matuntong sa Maynila ay nahirapan siyang makahanap at makapasok ng trabaho. Nagpapalit-palit siya ng pinapasukan, mula sa pagiging takatak boy, sa pagiging traysikel drayber, hanggang sa makapasok siya bilang isang boy sa isang grocery store. Ngunit, para kay Tonio ay tila hindi naging sapat ang bawat baryang kinikita niya kaya naman naghanap siya ng mas madaling paraan ng pag-asenso at pag-angat sa buhay. Ngunit, sa paghahanap niya ay maling daan ang natagpuan at natahak niya dahil napasok siya sa madilim at maruming trabaho.

Nakita niya kung paano inilagay ni Intong sa aluminum foil ang mga pulbos na kristal, ibinalot nito iyon at ginawang tila sigarilyo sa haba, sinimulan niyang sindihan ang lighter at nagsimula itong maglabas ng usok na unti-unting nagdala rito sa Ikapitong Langit. Inilapit nito iyon sa kaniya at sinabing, “Ikaw naman nang maranasan mong marating ang Ikapitong Langit, ‘pag nakatuntong ka roo’y tiyak kong uulit-ulitin mo na ito.”

Dahil sa kainosentehan ay sinubukan niya, ginaya niya kung paano samyuin ni Intong ang usok hanggang sa unti-unti ay naranasan niya ang sayang dulot nito. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya, nakalutang na para bang walang problemang inaalala. Kaligayahan... kaligayahan lamang ang sayang bumabalot sa kaniya ng mga oras na iyon.

Heaven, pare! Nasa heaven tayo, pare!” ang masayang saad ni Intong.

At ng mga oras na iyon, natuklasan ni Tonio ang ligayang hatid ng makarating sa Ikapitong Langit sa tulong ng bago niyang kaibigan - ang bawal na droga.

Simula ng gabing iyon ay ito na ang naging sandalan ni Tonio, nakita niya ang malakas na potensiyal nito sa pagkalap ng pera. Unti-unti siya namulat sa kalakaran ng maruming pagtatrabaho sa gabay ng kaibigang si Intong. Nag-umpisa siya sa patikim-tikim hanggang sa gawin siyang runner ni Intong sa bawal na droga.


GABI. Umuulan. Basang-basa ng tikatik ng ulan ang buong kalsada. Humihithit siya ng sigarilyong nakapagtatanggal ng kaba. Nakasuot siya ng itim na jacket na may hood habang hinihintay ang kaabutan niya.

Maya-maya ay nakita na niya ang isang lalaking palapit sa kaniya. Matangkad ito at payat mas lalong nadepina niya ang itsura nito ng magkaharap sila. Binata. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang mamukhaan ito ng husto. Anak ito ng isang politikong may mataas na katungkulan sa kanilang bayan.

Nagsimula silang magkaliwaan. Iniabot nito ang sobre at inilahad niya ang ilang pakete. Mabilis itong umalis kasabay ng pagtakbo nito sa gitna ng ulan. Mabilis din itong lumulan sa itim na kotseng nakaparada sa 'di kalayuan at pinaharurot ito paalis.

Naiwan siya at ang usok ng itim na kotseng gumulantang sa kaniya.

Nang makabalik sa bahay ni Intong ay sinalubong niya ito ng isang tanong, "Anak ni Mayor iyon 'di ba?"

Tinignan siya nito at muli ay gumuhit ang ngiting aso sa mukha nito.

"Matagal ng parokyano iyon. Mga mayayamang walang mapaglagyan ng pera. Inuubos sa luho, bisyo at sugal."

Mula ng gabing iyon ay hindi na niya alintana ang bawat mukhang nakikita niya. Wala na siyang pakialam dito lalo na sa tuwing makikita niya ang kapal ng sobreng inaabot sa kaniya.

Nagsimula siyang maging ganid. Humiwalay siya kay Intong at nagsimula siyang magsarili. Kung noon ay isang lamang siyang runner ngayon ay natuto na siya magtulak. Mas malaki ang kita kumpara noon sa hatian nila ni Intong.

Kasabay ng pagkakaroon niya ng maraming parokyano ay ang paglago rin ng perang inaasam niya. Lumakas rin ang bisyo niya sa pag-inom at sigarilyo, pati pambababae ay natutunan na rin niya.

Ngunit, 'di kalaunan ay nagkaroon siya ng bagong kakompetensiya. Si Berting bagong lipat sa kanilang lugar ngunit galing lamang ito sa karatig bayan. Ito ang tinatawag nilang Mayor. Ang isa sa pinakamalakas na tulak sa buong Tondo. Kilalang-kilala at malakas ang kapit sa mga kinauukulan. Ang hari ng bawal na droga. Hawak ng matataas; walang kinasasalingan.

Humina at kumonti ang kumukuha sa kaniya nalipat ang iba kay Berting. Dito nagsimulang bumalik sa dati ang buhay niya. Bumalik siya kay Intong at swerte namang muli siyang tinanggap ng kaibigan kahit na iniwan niya ito sa ere mag-isa. 


TATLUMPUNG minuto bago mag alas-nuebe. Pinagmasdan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Pinasadahan niya ng daan ang isang peklat malapit sa kaniyang mata. Sa paghaplos niya rito ay nagbalik-tanaw ang bawat eksenang naganap.

Nakita niya kung paano hatawin ng kaniyang ama ang ina niyang walang kalaban-laban. Walang maliw ang palahaw ng iyak nito habang nakaluhod na nagmamakaawa. Hindi niya na maatim ang kawalangyaan ng ama kung kaya ay tumakbo siya patungo rito at isinalba ang ina sa pananakit nito. Sinalag niya ang paghampas nito ng sinturon, tumama ang bakal na bagay malapit sa kaniyang mata. Naramdaman niya ang mainit na likido na dumausdos sa kaniyang balat at doon ay natigil ang kaniyang ama. Agad na tumayo ang kaniyang ina at nilapitan siya, agad na pinahid nito ng bimpo ang dugong gumagapang pababa.

"Tonio, anak..." puno ng pag-aalala ang tono nito.

"Ayos lang ho, ako. Mas mabuti pang ako na lang ang masaktan kaysa kayo, 'nay. Hindi ko na kaya ang mga pinaggagagawa niya. Umalis na po tayo dito."

"Hindi ko kaya, anak. Mahal ko ang tatay mo." 

Paulit-ulit na naganap ang pananakit na iyon nadagdagan pa nga dahil pati siya ay kasali na. Kaya isang gabi ay nakagawa siya ng isang desisyon. Bitbit ang isang backpack laman ang kaniyang mga gamit ay napagpasyahan niyang umalis sa kanila. Pinili niyang lisanin ang buhay na mayroon siya, pinili niyang lumayo sa kaniyang ina. Makikipagsapalaran siya sa buhay; makikipaglaro sa tadhana ng mag-isa.


DALAWANG minuto bago pumatak ang alas-nuebe mabilis siyang lumabas ng bahay at isinara ang pinto.

Tahimik ang paligid. Sarado na ang bawat pinto ng bahay na nadaraanan niya. Siya na lamang at ang madilim na eskinita ang magkasama. Humugot siya ng malalim na buntong hininga, muli ay sasabak siya sa isang giyera. Isang giyera na tila wala ng katapusan hanggang sa siya ay malagutan na ng hininga. Mahirap supilin ang bagay na ito kahit na nga pilit itong itinitigil ng nasa administrasyon. Ang laban sa bawal na droga ay tila walang katapusan.

Narating niya ang parte ng eskinita na malapit sa abandonadong lote. Nakita niya na ang ibang kasamahan na nakapwesto na sa kani-kaniyang lugar. Isang malaking transaksiyon ang magaganap ngayon. Dadayo sa lugar si Don Quijote, ang pinakamayaman at ang pinakakilalang pusher sa Tondo. Minsan lamang itong magpakita at sa pagkakataong ito ay swerteng makakaharap ito ni Intong na siyang napiling kuhanan ng bawal na droga. Suot ang magarbong tuxedo at isang fedora hat na nakataklob sa ulo nito ay nagsimula nitong hithitin ang pipa na nakasukbit sa bibig nito.

“Ikinalulugod kong makilala ka, Don Quijote.” Ang magalang at puno ng paghangang saad ni Intong.

“Nasaan na ang isinadya ko?” walang ligoy na saad ng Don.

Ikinumpas ni Intong ang kamay at nagsimula siyang maglakad sa pwesto ng mga ito, bago siya tuluyang makarating rito ay iniabot sa kaniya ng kasamahang si Baldo ang isang bag na puno ng ipinagbabawal na droga. Iniabot niya ito sa kanang kamay ni Don Quijote at inilabas nito ang isang attaché case.

Umabot hanggang tainga ang ngiti ni Intong at Tonio matapos makita at mapasakamay nila ang attaché case na puno ng salapi.

Ngunit, ang akala nila ay magtatapos na sa isang masaya at matagumpay na operasyon ang lahat pero ang hindi nila alam ay magsisimula pa lang ito sa kamay ng mga protektor ng bayan.

“Taas ninyo ang inyong mga kamay!” malakas na sigaw ng isang lalaki na nakaleather jacket at sumbrerong itim.

Ang pagsigaw na iyon ay naging hudyat upang mapalibutan silang lahat. Mula sa dilim ay unti-unting naglabasan ang mga pulis tangan ang kani-kanilang baril. Nagsimulang magkaputukan, nagpalitan ang paglabas ng bala sa bunganga ng nakakamatay na sandata. Mabilis na isinalba si Don Quijote ng mga kinauukulan, pinosasan at isinakay sa mobil. Habang si Intong ay minalas at humandusay sa gitna ng makipot na eskinita, naliligo sa sariling dugo.

At si Tonio, mula sa dilim ay kitang-kita niya ang taong paparating. Nakapasak ang headset sa tainga nito habang kitang-kita niya ang gulat na reaksyon nito ng makita ang sitwasyong nagaganap sa harap. Napaatras ito ngunit naging huli na ang lahat, mabilis na naging pula ang puting damit nito.

Tumama ang isang ligaw na balang sumakto sa kaliwang dibdib nito, walang malay itong lumagapak. Mabilis na tumakbo si Tonio palapit rito ngunit mabilis rin niyang nakita ang unti-unting pagpikit ng mga talukap nito. Kinuha niya ang kamay nito at natatarantang pinulsuhan ito, ‘di alintana ang butil-butil na malamig na pawis ay bumagsak ang mainit na likidong rumagasa sa kaniyang mga pisngi.

Wala na.

Wala na siya.

Wala na ang mahal niya.

Si Ligaya na walang kamalay-malay. Si Ligaya na pauwi lamang galing sa trabaho ay ‘di sinasadyang madamay sa operasyong naganap. Nalagulatan ito ng hininga sa kamay ng mga taong naglalaban dahil sa iligal na droga. Si Ligaya na naputol ang oportunidad at tiyansang mabuhay ng mas matagal pa.

Dahan-dahan siyang ini-angat ng dalawang pulis, nabitiwan niya ang pulsong kanina pa niya paulit-ulit na pinakikinggan ngunit wala ng tibok pa. Inilagay ng mga ito ang kamay niya sa likod at doon naramdaman niya ang malamig na bawal na nagselyo sa kalayaan niya.


ILANG taon na ang nakararaan ngunit hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin ang bawat eksena sa kaniyang memorya lalo na’t gabi-gabi ay binabalikan siya ni Ligaya, dumadalaw ito sa kaniyang panaginip - sinisisi siya nito sa naging masaklap na katapusan nito sa buhay.

Nagigising siya sa tuwing matatapos ang kaniyang masamang panaginip, tatayo at maglalakad sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan. At sa tuwing makikita niya ang bawat bakal na nagsisilbing harang sa kalayaan niya ay dumadapo ang malamig na hangin sa kaniyang balat na nagpaparamdam na kasa-kasama niya sa lahat ng oras ang alaala ni Ligaya – na nagpapaalala ng bawat kamalian niya sa buhay.

 Hustisya!

Muli ay narinig niyang sambit ni Ligaya.



***

Ang kwentong ito'y opisyal kong lahok sa  http://www.sba.ph/


***



                                

Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Kanlungan


NANATILI akong tahimik sa mga oras na ang tangi ko lang gustong gawin ay sumigaw ng malakas – na iparinig sa lahat ang aking tinig. Ngunit, pinili ko na lamang itikom ang aking bibig upang ikulong ang mga salitang gustong-gustong kumawala. Dahil alam ko, kahit gaano ko kahina ibulong o kalakas ipagsigawan ang mga ito ay walang gustong makinig o mas tamang sabihing… walang makaririnig.

Pero, kailan nga ba nila ako pinakinggan?

Kailan Niya ako pinakinggan?

Noong mga oras na umusal ako ng piping panalangin na sana'y may kumawalang tinig sa aking bibig; na sana mayroon akong kakayahang imutawi ang lahat ng mga salitang nais kong sambitin… naghintay ako, ngunit, sa huli ay wala akong nakuhang sagot.

Sa isip ko, malakas kong pinakawalan ang mga halakhak upang tuyain ang aking sarili.

‘Para kang tanga, Ysobel!’ paratang ko sa aking sarili. ‘Kailan ka ba kasi nila narinig magsalita upang ika’y kanilang pakinggan?’

Ang tanong na siyang nakapagpatigil sa akin. Tama nga naman. May punto ang isang parte ng aking isip. Kailan nga ba ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita? Kailan ba may lumabas na tinig sa aking bibig?

Ano ba naman kasi ang saysay ng pakikipag-usap sa akin, kung ang tanging paraan sa pakikipag-komunikasyon ay wala ako. Walang boses, walang salita. Hindi naman lahat marunong ikumpas ang kanilang mga kamay sa paraang mababasa’t maiintindihan ko upang makausap lamang ako. Hindi rin naman lahat interesado na kausapin ako kung kaya para saan pa para matutunan nila iyon.

‘Kaya hayan, sige, kausapin mo ang sarili mo sa isip mo!’

Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Tama na. Walang magagawa ang pakikipagtalo sa sarili, nagmumukha lamang akong baliw na kinakausap ang sarili sa harap ng salamin lalo na’t wala namang boses silang naririnig.

***

MABINING dumampi ang malamig na hangin sa aking balat, nagawa kong yakapin ang aking sarili matapos nitong manuot sa aking kalamnan. Namamangha kong pinanood ang paghahalo ng mapula-pula at kahel na kulay sa kalangitan, dahan-dahan nitong nilulukob ang liwanag – sumusuong ang dilim at nagpapahiwatig ito ng pag-angkin.

Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa, binaybay ang daan patungo sa hardin ng aming bahay. Nilandas ng aking kamay ang naggagandahang bulaklak na tanim ng aking ina. Pinuno ng matamis na halimuyak nito ang aking ilong, parang alak ay naliyo ako dala ng samyo na pinakawalan nito.

Inilatag ko ang aking katawan sa damuhan at doon ay pinagmasdan ang paghari ng kadiliman sa sangkalupaan. Bumungad ang gasuklay na buwan, nakangiti ito sa akin at tila naghahatid ng kung anong kamisteryuhan. Habang ang mga bituin ay walang tigil sa pagkindat, nagpapapansin sa bawat kurap.

Parang mga letrang bumubuo ng salita, mga salitang bumubuo ng talata; humahanay na parang linya ang mga salitang walang habas na nagpaparamdam. Gumagawa ng gulo ang mga ito sa aking isip, parang mga ibong gustong kumawala sa hawla; pinapagaspas ang mga pakpak sa kagustuhang makalipad palabas. Ngunit, tila rehas na gawa sa bakal ang aking bibig dahil kahit anong gawing takas ay tila nakakulong pa rin. Sa dami ng pagkakataon ay tila nawalan na nang ganang mamutawi ang mga salita na wala rin namang saysay kung sila’y lalabas.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, inilabas ang mga hanging tila pumuno sa aking baga. Iwinaksi ko ang lahat ng pag-iisip, nilinis ang kaninang tila nangangalawang na isip. Unti-unting bumagal ang pagtahip ng aking dibdib hanggang sa dalhin ako nito sa isang mahimbing na pagtulog.

Naalimpungatan ako sa mahinang pagtawag sa aking pangalan. Pupungas-pungas kong kinuskos ang aking mga mata.

‘Ysobel! Ysobel!’

Mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga at agad kong inikot ang aking mga mata upang hanapin ang nagmamay-ari ng tinig. Ngunit, wala ni anino sa paligid ko ang naroon.

Ako lamang, isang orasa, at isang kwaderno na nasa aking paanan ang naroon.

Biglang namayani ang pagkagulat ko sa aking mga nakita, paanong nagkaroon ng mga ganito sa aking harapan? Kanino at saan galing ang mga ito?

Muli akong luminga-linga, sinipat kung sino ang maaaring maging salarin. Ngunit, sa pangalawang pagkakataon ay nanatiling ako at ang mga bagay sa harap ko ang naroon.

Inabot ko ang kwadernong tila niluma na ng panahon gawa ng mga alikabok na bumalot dito, ang ilang parte rin ng pabalat nito’y tanda na dumaan na ito sa maraming kamay: gula-gulanit at sira-sira. Maingat kong binuklat iyon sa takot na masira ko ito ng tuluyan.

At sa pagbukas ko nito'y sumabay ang nakasisilaw na ilaw. Isang mahikang hindi ko mahinuha. Sa isang pahina'y naroon nakatitik ang mga salitang tila galing sa isang tula.

"Paliparin sa hangin ang mga agam-agam  
'wag matakot ibuka ang bibig,
iusal ang mga saloobin
hanggang sa ito'y marinig."

May kung anong pinahihiwatig ang mga katagang iyon na para bang inuutusan akong limiin kung ano ang nasa pagitan ng bawat mga salita. Hindi ko alam kung paanong nakarating ang mga bagay na ito sa akin, kung saan ito galing, at kung paanong nahanap ako ng mga ito. Gusto kong isiping kapalaran ang naghatid nito sa akin; na ito ang destinasyong paroroonan nila. Kung paano ako natunton nito'y, wala akong ideya. Ngunit sa kabilang banda, iisa lamang ang konklusyon na nabubuo sa aking isip, na ang lahat ng ito'y isang misteryo... ngunit marahil siguro'y isa rin itong himala.

'Naririnig ko ang bawat isa sa inyo, Ysobel, kabilang ka at lahat ng mga tulad mo. Naririnig ko ang bawat saloobin ninyo't kahilingan, maliit man ito o malaki. Ngunit, may batas na dapat sundin.'

Hinanap ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon, nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ngunit sa pangatlong pagkakataon ay wala akong napala. Hanggang sa mapagtanto kong iangat ang aking tingin at doon ay nakita ko ang imahe Niyang inukit ng mga bituin. 

“Pero isa lang naman ang hinihiling ko sa iyo, bigyan mo ako ng pagkakataong maiparinig ang aking tinig." sa kabila ng kawalan ng boses ay may bahid pagsusumamo ang aking pag-usal sa isip habang nakatingala at kinakausap ang kalangitan.

'Hindi maaring panigan ang iisa lang dahil lalabas na ako'y may paborito; magugulo rin ang takbo ng mundo, maaaring magkaroon ng kalituhan. Kukuwestyunin nila ang aking batas kung paano ang isa’y nakatanggap ng himala habang ang isa ay hindi. At, hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay makatatanggap ng himala ang lahat, mga pili at nararapat na tao lamang. Habang ang iba ay may kaakibat na layuning kailangang tup’din.'

"Kung ganoon natitiyak kong kabilang ako sa iyong huling sinabi." Sagot ko sa aking isip.

'Matapos kong likhain ang lahat ng nakikita't nararamdaman mo at ninyo, ang bawat isa sa inyo'y may ibinigay akong pakay. Maaring ika’y isang instrumentong may layuning gagampanan o maaaring ikaw rin ang mismong didiskubre ng pakay na iyong hinahanap. Malalathala sa kwadernong hawak mo ang magiging takbo ng kwento mo. At ang orasa ang magtatakda ng haba ng oras na iyong bubunuin.'

"Paano kung hindi ako pumayag?" panghahamon ko dito.

Naghintay akong may marinig na sagot ngunit nang wala ay para bang sinasabi nitong wala na akong magagawa kundi sundin ang utos Niya.

Lumipas ang gabing iyon na para akong hanging lumulutang sa ere – lutang sa mga pangyayaring naganap. Ang makausap Siya’y hindi ko inakala. At ang hamong iniwan Niya’y hindi ko basta-basta matalikdan. Isang hamong tiyak na magbibigay ng isang magandang aral.

***

HINDI pa man tuluyang sumisilay ang bukang liwayway ay mulat na ang aking mata’t gising na ang aking diwa. Hindi ko nagawang makatulog ng mahimbing sa iniwan Niyang mga salita. Inubos ko sa pagmuni-muni ang bawat oras na hindi pa sumisikat ang araw. Nanatili akong nakahiga’t nakipagtitigan sa kisame. Ngunit, isang pagka-antala ang nakapagpaputol dito.

Isa hanggang tatlong katok ang ingay na nanggaling sa pinto. Agad akong tumayo’t pinagbuksan kung sino man ang nasa likod niyon. Bumungad ang mukha ng aking inang may ngiti sa mga labi. Sa paraan ng pagkumpas ng mga kamay nito’y ipinarating nito ang isang pagbati.

“Magandang umaga, anak! Pasensiya na kung maaga kitang nagambala.”

Sumagot ako rito sa paraan ko ng pakikipag-usap, kinumpas ko rin ang aking mga kamay at sinabing. 

“Ayos lang po, Ma. Ano po ang kailangan ninyo?”

Iginiya niya ako paupo sa aking kama’t doo’y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ginagap niya ang aking kamay at hinaplos ang aking pisngi. Diretso akong tumingin sa mga mata niya’t nabanaag ko ang lungkot na bumalot dito, kasabay nito’y ang unti-unting pagbuo ng tubig na sumusungaw sa mga mata nito.

“Naaalala mo pa ba noong sinabi ko sa iyong gusto kitang ipasok sa isang rehabilitasyon na tumutulong sa mga tulad mo, anak? Kung saan makakasalamuha mo ang iba pa’t maaaring magkaroon ka ng maraming kaibigan. Gusto mong magkaroon ng mga kaibigan ‘di ba?” tumigil ito saglit at nagpakawala ng hangin.

“Anak, ayokong nakikita kitang mag-isa, malungkot, nakatingin sa kawalan, at tila nawawalan ng pag-asa. Gusto kong bumalik ka sa dati, ‘yong mga panahong masigla ka’t hindi alintana ang kapansanang mayroon ka.” basa ko sa bawat pagbuka ng kaniyang bibig.

Hinigpitan nito ang paggagap sa aking kamay at isa-isang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Huwag mong panatilihing nakatikom ang iyong bibig. Hayaan mong kumawala ang mga salita dahil naririnig kita, anak. Naririnig kita sa kabila ng kawalan mo ng boses, naririnig ko ang bawat pagsusumamo’t unti-unti mong pagbitiw sa Kaniya. Kaya hayaan mong saluhin kita. Hayaan mong ipasok kita sa Kanlungan kung saan matatagpuan mo ang pangalawang tahanang iyong inaasam.”

Tuluyan na itong napahagulgol sa aking harap, marahas na rumagasa ang maalat na likidong dumausdos sa pisngi nito. Hindi ko maatim ang makita ito sa ganitong disposisyon kaya kasabay ng pagpapakita ng orasa at kwadernong nakapatong sa lamesang kaharap ko’y nagawa kong pumayag dito.

***

PINAGMASDAN ko ang malaking harang na pumapagitan sa akin at sa lugar na iyon: matayog at gawa sa bakal. Hindi ko alam kung sa kabila ng harang na iyon ay mahahanap ko ang pagbabalik ng pag-asa’t paniniwala sa Kaniya. Simula kasi noong ako’y lumaki’t magka-isip, sa tuwing makikipaglaro ako sa iba – sa normal na batang may kakayahang makapagsalita ay tila nagbago ang takbo ng aking buhay, matapos akong layuan at iwan ng mga naging kalaro ko noon. Palagi kasi nilang sinasabing ayaw nila akong kalaro dahil hindi nila akong magawang maka-kwentuhan, hindi nila maintindihan ang bawat pagkumpas ko ng kamay.

Kung kaya’t sa paglipas ng panahon ay pinili ko na lang magkulong sa bahay, ang maglaro mag-isa’t libangin ang sarili sa kung anu-anong bagay. Hanggang sa maramdaman ko ang pagka-inip, ang pagka-awa sa aking sarili. Sinubukan kong muli ang makihalubilo, ngunit katulad pa rin noon ay walang may gusto. Lihim akong umiyak, lihim kong kinaawaan ang aking sarili. Nalugmok ako sa depresyon, at minsa’y nasubukan ko pang kitlin ang buhay na mayroon ako.

Nakita ko ang walang tigil na pag-iyak ng aking mga magulang. Mabilis nila akong naitakbo matapos kong subukang maglaslas. Nang makita nila akong gising ay agad nila akong nilapitan. Mahigpit na hinawakan ng aking ina ang aking kamay at sa mga salitang inusal niya’y nagawa kong ipagpatuloy ang buhay.

“Ysobel, anak, bakit mo nagawa ang bagay na iyon? Bakit mo kailangan kit’lin ang iyong buhay? Alam mong masama iyon. Nandito naman kami ng iyong, Papa, kung kailangan mo ng kausap ay hinding-hindi kami magsasawa. ‘Wag kang magpadala sa iyong kapansanan, ‘wag mong hayaang kainin ka ng depresyon, ‘wag mong sirain ang iyong buhay… dahil tanging ang Maykapal lamang ang may karapatang gawin iyon. Siya lang ang may karapatang kuhanin ang buhay na hiram natin. At kaya ka niya binigyan ng buhay at pagsubok na ganiyan dahil alam niyang kaya mo, alam niyang malalabanan mo ang pagkalugmok.”

Ngunit, sa kabila niyon ay hindi pa rin maalis ang duda ko sa kakayahan Niya. Kaya ngayong nagparamdam Siya’y hindi ko magawang talikuran, dahil para sa akin gusto kong makita ang himalang aking hinahanap... sa tulong Niya.

Bumukas ang matayog na gate na gawa sa bakal, sinalubong kami ng isang matamis na ngiti ng isang matandang babaeng nakasuot ng abito.

"Mary!" tawag nito sa aking ina.

Mabilis na lumapit ang ina ko rito't yumakap ng mahigpit.

"Kamusta Sister Teresa?"

"Mabuti, mabuti. Siya na ba si Nazareth?"

Tumango ang aking ina at inilahad ang kamay sa akin. Lumapit ako sa kaniya't ginagap ko ang kamay niya.

"Naza, siya si Sister Teresa, ang ina ng Kanlungan."

Nanatiling tikom ang aking bibig. Nakatingin lamang ako sa kanila hanggang sa tila tumigil ang pagtakbo ng oras. Nakahinto ang kamay ni Sister Teresa na akmang aabutin ako habang ang ina kong nakangiti sa akin ay nasa ganoong posisyon. Ngunit, ang nakapagtataka'y ang isang lalaking nakatanaw sa malayo habang nakangiti sa akin.

Inihakbang ko ang aking mga paa’t unti-unti itong nilapitan ngunit bigla itong tumalikod at ikinumpas ang isang kamay.

"Alam kong ikaw iyan!" pasigaw kong saad.

Huminto ito at hindi na humarap pa, "Alam kong papayag ka, dahil alam kong sa loob-loob mo'y hindi mo mapigilan ang iyong sariling talikdan ang aking salita." napahinto ako't pinakinggan siya, 
"Salamat dahil hindi mo ako binigo."

Unti-unti’y nawala ang imahe niya at mabilis na tila uminog ang paligid. Nakabalik ako sa aking dating posisyon ng hindi humahakbang kung saan naroon na sa aking harap si Sister Teresa habang magkasalikop na ang aming mga kamay.

Mabilis ang naging takbo ng oras, sa bilis ng mga pangyayari’y tila lumabo ito sa aking paningin at isip. Ilang araw na ang nakaraan matapos akong iwan ng aking ina sa Kanlungan. Ilang araw na rin akong nanatiling mag-isa at lumalayo sa karamihan. Tila ba nasanay na akong mag-isa matapos kong matikman ang layuan.

Ngunit, sa kabila nito’y may isang taong pilit na dumidikit sa akin – si Alizee, isang dalagang may kakulangang makakita. Sa lahat ay siya ang pinaka-palakaibigan. Ang lahat sa kaniya’y tila kay gaan at makulay, kahit na nga ba sa kabila ng tanging dilim na bumabalot sa kaniyang paningin ay hindi niya ito ininda.

“Nazareth, kahit hindi ka sumagot at hindi kita maririnig sumagot alam kong nand’yan ka. Bulag lang ako pero mas triple pa rin ang lakas ng pakiramdam ko.” ang malakas na sigaw nito bago pa man makarating sa aking kinauupuan. “Ano, diyan ka na lang ba palagi habang naririto ka sa Kanlungan? Huy babae, madaming mas masayang gawin habang naririto ka kaysa sa magsintir ka sa buhay na mayroon ka.” ang dagdag na panenermon nito.

“Alizee, hayaan mo siya. Kung ayaw ng isang tao ‘wag mong pilitin. Sino ba ang malulugmok sa pagkakalubog, ikaw ba… tayo ba? ‘Diba siya naman?” singit ng isang lalaking nakaupo sa de-gulong na upuan. Sa tantiya ko sa itsura niya’y halos magkasing-edad lamang kami.

“Ayan ka na naman, Carlo. Pinaiiral mo na naman iyang kasungitan mo.” Saad nito.

Gamit ang cane ay muling humakbang si Alizee at lumapit sa kinaroroonan ko. Kinapa-kapa niya ang ulo ko pababa sa braso hanggang sa maabot ang palapulsuhan ko. Ginagap niya ito’t inakay ako, “Halika! Doon tayo sa Crafts and Creative Section tuturuan kitang gumawa ng parol.”

Imbes na ako ang umakay sa kaniya’y baliktad ang nangyari dahil hanggang sa makarating kami sa kwarto ng CCS ay siya ang gumabay sa akin. Pagkarating roon ay agad kaming dinaluhan ni Sister Ana na siyang punong-abala sa kwartong iyon. Doon nagtitipon-tipon ang karamihan na mahilig magbutingting, mapa babae man o lalaki.

Pinaupo niya kami sa dulong bahagi ng kwarto kung saan naroon ang bakanteng silya. Binigyan niya kami ng mga gamit at doo’y nagsimula akong turuan ni Alizee. Detalyado kung siya’y mag-utos; masinsin at maayos kung siya’y gumawa. Alam niya ang bawat proseso sa paggawa ng parol gamit ang mga recycled straw. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagmasdan siya. Kung kumilos siya’y tila isang normal na taong nakakakita. Hindi kakikitaan ng reklamo sa tadhanang kinasadlakan. Ilang saglit di’y nakagawa ako ng aking sariling obra. Nakakatuwa at nakakaaliw dahil kahit papaano’y naibsan ang aking pag-iisip.

Sa bawat pagmasid ko sa paligid ay hindi mapigilang sumagi sa isip ko ang realisasyong unti-unting pumapasok sa maliit na kukote ko. Sa bawat paglandas ng mata ko sa mga taong naririto’y hindi ko mapigilan ang mainis sa aking sarili. Ang daming katulad ko ang naririto sa tahanang ito ngunit hindi ko nakitaan ng lungkot at pagkalugmok. Sa araw-araw ay tila namuhay sila ng masaya at walang sama ng loob sa buhay na mayroon sila, bagkus, ay tila nakakita sila ng isang pamilyang nagbubuklod ng mga tulad naming may kakulangan. Ang mga ngiti nila’y tunay at hindi na kailangang pilitin pa, kaya pati ako’y hindi mapigilang mahawaan ng kanilang mga tunay na ngiti.

Sa pagkakataong iyon ay tila nakita ko na ang himalang aking hinahanap – himalang sa mga tao sa Kanlungan ko nahanap. Hindi man literal na sagot sa kakulangan ang himalang nangyari sa amin… sa kanila kundi, ang himalang siyang pumuno sa aming kakulangan, tulad ng Kanlungan na siyang kumupkop at umaruga sa mga tulad naming may kapansanan. Ang pagkakaroon ng isang masaya at maayos na buhay na hindi batid kung ang isang tao’y may kakulangan ay siyang ring himalang bumuo sa pagkatao ng bawat isang naroroon. Isama pa ang pagtanggap at pagiging kontento sa kung anong mayroon ang bawat isa. At ang pinaka importante sa lahat ay ang pananalig at pagtitiwala sa Kaniya. Doon pa lang ay masasabi ko ng puno nang himala ang bawat isa kung tayo’y matutong pahalagaan ang bawat mayroon tayo. Na kahit minsa’y tila humuhulagpos tayo ng kapit sa Itaas ay binibigyan pa rin Niya tayo ng makakapitan.

Ang bawat buhay ay iba-iba. Ang bawat tao’y may kani-kaniyang pakay. Ang tadhana’y may dulot na mahika sa bawat isang taong tila nawawalan ng pag-asa. Sa pagbuhos ng buhangin ng orasa at sa bawat paglathata ng kwentong aking kinabibilangan ay maisusulat at maibabahagi ang magandang aral na siyang nagbago sa aking buhay – na ang bawat buhay ay mayroong himala kung ang taong kabilang dito’y naniniwala sa himala na ibibigay Niya.


Ang buhay ng bawat isa sa atin ay ang matinding himalang nangyari sa atin.



*****

Ang kuwentong ito'y opisyal kong lahok para sa http://www.sba.ph/


*****






 <a href="http://www.dmcihomes.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgNu5xkcguxABpI1io73qQBIh7V1r750AJb6Z3N5u2pjtS1YoVw2toqzJyxwktKqQyKAHyHT49dOP9zDVWXWQi0vAd_oz4oF5Rc5dhgDo1eC_hVCcpZXz7WUH1CrLOxx8FeJAWs_1WPHm4/s1600/dmci.jpg" /></a><a href="http://radyo.inquirer.net/" target="_blank"><img src="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhb7KOvCO6xfQzPiBaqmS4l_4U4rzt51Cpu3af0CkXgylau0AYmv8l-zj-hpc9jxcrHVuFp1rx_1x8upwGwM6fACzGD1OQAelePHDzXem5LFv7d9xIBT7dz-ntUJtCTydKVf4Y1KDZnv4U/s1600/inquirer.jpg" /></a>  
 <a href="http://www.device.ph/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgK25tstPm31Dzxj-nA9HOFziKWf-Kop_zMPoYXKeptkFBP5_vOlb3ZVmaPCI78mSTR9F4_pAaQHXxZhrpJg6sZAFHLp2TC0Oo-7wrQPp1gSpTf6URzsJnrlci_ygZgiU9yuE2QQjM8L8k/s1600/devicephilippines.jpg" /></a><a href="http://www.thedailypedia.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgm5cqrHnMvlTX4JQJrzBnYNxcwiL0zuetkoOBonHZBIDuzOuEOpzx2DicK52B-Sp41tevfKUQrTJcBpuRtbicZ95mTX3kqSiSr84mQWkwPJ3MedE4XjjEKgJc6TZk9qpU9H_KOg7XzbrU/s1600/dailypedia.jpg" /></a><a href="http://www.lionheartv.net/" target="_blank"><img src="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj02KVfa6kW2lRJyE9v1w1-FPIql3Vr8ZTkBV4r2LGCvFtga6a21fXOsqfNeF-P80G-oiCtp22CHbfR07WWskrPSN2B6ntemoP28Sjd0kCjL91QsDqeqfMiG2rRyFq-aQjBEOHRGlTI5Nc/s1600/lionheartv.jpg" /></a>